Sunday, June 7, 2026

Paano magbenta ng vintage na gamit 5 tips para mas mahal at mabilis mabenta

 Article

Marami tayong nakatago sa bahay na mga lumang gamit yung painting ni lola lumang



radyo ni lolo i mga painting na galing sa kastila ang tawag natin dyan ay vintage pero paano nga ba to mag benta ng vintage na gamit para hindi ka malugi?bilang taga cebu na mahigitb10 taon nang nag  bebenta ng mga vintage item ko

1 alamin muna kung vintage o basura lang ba talaga 

Hindi lahatbng luma ay mahal ang vintage"atleast 20-40 years old na.

Ang "antique naman 100 years pataas paano mo malalaman?

Tingnan mo yung pirma sa likod ,yung brand yung klase ng kulay kahoy/bakal na ginagamit 

Halimbawa,kung may tatak na made in japan tapos 1960s "style,vintage na yun kung may punit o kalawang na wag muna i-expect na mahal mas maganda kung picture ran mo tapis i-search mo muna sa google :,vintage [brand ng item]price philippines

2 linisin pero wag sobra

Ang pinaka maling ginagawa na iba ay pinipinturahan o gina gamitan ng matapang na sabon yung lumang gamit mawawala "yung vintage value pag ganun

Ang tama gumagamitblang ng malambot na brush o tuyong microfiber cloth para matanggal alikabok .kung painting ,punasan mo lang na tuyong bulak yung natural na gasgas o kupas ng kulay ,yung nagpapa mahal minsan kasi patunay na luma talaga kung may sira iwan mo na lang .mas gusto ng collector na sila mag repair 

3 kunan ng magandang litrato o picture

■Picturan mo sa labas pag umaga yung may natural na araw pero hindi direct sunlight

■white na backgrownd lang pwedeng puting karton o kumot 

■kunin mo lahat na anggulo harap,likod,ilalim at yung may pirma o tatak

■picturan mo din yungbmga gasgas o sira mas mabiniwala yung buyer pag honest ka

4 saan mo ibebenta?alamin ang tamang platform hindi lahat ng vintage item bagay sa facebook marketplace 

■facebook group sumali ka sa vintage buy and sell philippines o vintage cebu collectors",dito mas may alam yung buyer o presyo 

■carousell/ebay philippines maganda to para sa mas maliit na items like relo ,camera alahas tiangge o antique shop sa cebu ;kung painting o furniture dalhin mo sa mga antique shop sa may taboan o carbon.sila na bahala mag presyo pero kukunin nila mas mura kasi bebenta pa nila

■ Diskartecebu:syempre pwede mo din i -post dito sa blog ko kung may binebenta ka

Comment ka lang sa baba

5 magpresyo ng tama wag baratin sarili mo

Ito ang pinaka mahirap wag ka mag base sa "magkano mo nabili mag bse ka sa magkano bentahan ngayon.

Paano mag search ng presyo

1 pumunta ka sa ebay.com.ph o facebook search mo yung item mo 

2 tingnan mo yung "sold item"para makita mo magkano talaga nabili hindi yung asking price talaga

3 kung wala.ka mahanap na ka pareho magpa -appraise ka dito sa cebu  maraming mga antique shop sa may downtown na mag appraise for free kong bebenta mo sa kanila 

■Bonus tips

Pag nag post ka ,lage mo lagyan ng story 

Halimbawa,ito yong yung radyo ng lolo ko nung 1970s pa.gumagana pa hanggang ngayon mas na search yung buyer pag may kwento sa huli 

Ang pag bebenta ng vintage ay hindi lang tungkol sa pera.para din to ma-preserve yung history kaya kung may luma kang gamit dyan wag mo muna itapon .baka ginto na pala yan.

May tanong ka ba tungkol sa vintage item mo?comment mo lang sa baba yung picture at kwento niyo tulungan kitang mag presyo ng libre 

About the Author:

Si Ronald ay taga cebu at mahigit 10 taon nang nag bebenta at nagre-restore ng vintage paintings at antiques.para sa mga katanungan mag email sa 

ronaldteleron2021@yahoo.com

Hideko japanese painting




 Noong 2021 nag tratrabaho ako sa cebu galing ako probinsya ng negros namasukan ako bilang katulong ang sa awa ng dios nakapasok ato bilang hardenero ng dalawang matandang hapones puro sila lalaki ako ang kanilang pinagkatiwalaan sa bahay nag bakasyon sila dalawa sa japan pagkalipas ng covid noon di na sila bumalik pa sa cebu at sina nila sa akin yong bahay bininta na nila at nabayaran na binigyan nila akong malaking blessing lahat ng ganit sa bahay ay para sa akin di kasali sa binta malakung pasalamat ko sa dios at sa dalawang hapones at isa na don ang isang napaka gandang oil paint of frame na may pangalan na "Hideko^ ibinta ko sana ng mura baka ordinary lang ito pero nag search ako andon pag may stamp at may pangalan ng artist sigurado may halaga kaya maigi ko tinutuklas ang stamp kong ano yong naka lagay na claessens tokyo japane yan pala gawa sa matibay at mahal na canvass ginamit ni hideko pina pinapublish ko po sa facebook may nag offer na sakto sakto pero di ko nalang tinuloy ang pag binta baka may storya yan sa dati ko na amo at para bang  naalala ko sila pag makita ko ang frame nakakalungkot wala na ako balita sa kanila yan nalmg ang simbolo sa aming alaala ang tunay na halaga di sa kayaman kundi sa matamis na alaala maraming salamat

Writter:

Diskartecebu

Paano linis ang painting


 Ang paglinis ng mga lumang painting o vintage ay maingat at  masususing pag aaral masilan at mabusisi at kailangan mag ingat sa mga pintura sa sobrang kalumaan huwag gamitan kong ano anong mga substance o kemikal pag tanggal ng dumi ay siyang sanhi ng pagka sira ng imahe ng painting  paano ba dapat gawin may mga kagamitan ang mga eksperto ng mga kaganitan para sa mga lumang bagay o vintage  gumamit sila ng malambot na brush o pang ihip sa kondisyon ng mga lumang bagay ay iniingitan nila masyado lalo na sa paghawak kaya gumamit din sila ng gloves lalo na sa painting iniingatan nila ang texture na di matanggal ang mga oil paint na nakadikit sa canvas ang pagamit ng tubig sa paglinis ng painting ay nakakasira at natatangal ang kulay pagka bitak



bitak ng texture huwag gamitan ng tela o pangpunas kong walang alam sa pag linis ng mfa vintage na bagay magtanong lang sa google o Ai Libre lang para malaman ang mga dapat gawin

Writer:

Diskartecebu

Monday, April 27, 2026